{Res}olutions for 06
by Aaron on Dec.30, 2005, under Fitness/Clothes
I’m writing this early bago pa mawala ‘yung mga dapat kong gawin pagsapit ng bagong taon. Heto na.
1. Magpapataba na ako.
Ilang taon na dapat nangyari ito, pero this time around seryoso na ako. At sinimulan ko na bago mag-new year! Starting point: 100lbs, 110 na ata ako ngayon. Tapos from Size 28, Size 30 na ang pantalon ko! Ang saya! Wala kasing weighing scale dito leche. Hindi lang ako magpapataba, mag-aayos na ako ng katawan! Matagal ko nang wish ito at #1 priority ko talaga wala lang akong budget at nahihiya lang ako pumunta sa Gym kasi wala akong kasama. 3 failed attempts na ako (Sa Congressional, sa Moro at sa Loyola Barangay) bwiset!
2. Mag-aaral na ako ngayong 2nd sem.
Dahil hindi naman talaga ako nag-aral ever since pagpasok galing sembreak. Sobrang na-down ako dahil hindi ako umabot sa Dean’s List last sem at sobrang nadepress ako kaya slackoff na ako. Kailangan bumawi lalo pa dun sa PolSci exam na sure-bagsak ko.
3. Magpapatangkad ako.
Yan ang advantage naming mga lalake, pwede pa kami tumangkad hanggang 22! Hindi naman masama umasa di ba? Atsaka hindi naman pwedeng maging resolution ‘to, wish dapat ‘to eh!
4. Magbabawas ako ng gastusin.
Seryosong usapan ito. Nakagastos ako ng 7500++ pesos in less than 12 days, mahirap pala maghawak ng pera. Kailangan ko na rin magbawas bumili ng T-shirts (asar na fetish), kasi ang daming magaganda na binibigay ng Tita ko sakin, dun na lang ako magrerely.
5. Mag-oorganize ako ng MP3s at ilalagay sa mga CD. Kailangan ko ng DVD writer pero see #4.
6. Gagawin ko na talaga ang AaronRoselo.com
Dahil boplogs ako sa HTML, CSS at kung ano pa mang coding whatever, hindi ko matapos tapos ang site ko. Susubukan ko para sa inang bayang Pilipinas na magawa ang AaronRoselo.com na fully navigational at hindi lamang isang blog, na siyang tanging purpose lang nito sa kasalukuyan. Taena sayang yung binayad ko sa domain. Pero masaya na ako sa blog, feel na feel ko kasi na sikat ako at maraming tao na nagbabasa sa buhay ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. (Shet ba’t ko sinulat yan)
7. Matutulog na ako ng maaga
Ika nga ng Tangang Lawin, ASA KA PA.
8. Hindi na ako magyayabang.
Ironic thing is, never naman ako magyabang outside my blog. Sobrang low profile nga ako IRL eh! Pero yun, hindi na ako magyayabang.
9. Hindi na ako magshi-shift ng kurso.
Dahil hindi pa rin ako pumapasa ng Math 11. Wala rin namang kwenta, aalis din naman ako papuntang Japan upang maging Gaijin-Sensei. Um-oo na lang kayo. Oo? Oo. Yes? Yes! Yup yup yup!
10. Hindi na ako tatambay sa PC ng buong araw after class hours.
Isa pang malaking ASA. Pero sana nga magka-sport naman ako, gusto ko magsoccer talaga. Dapat tinuloy ko e.
Anyway, I’m off to the PyroOlympics with my family. Mga cheap thrills nga naman.





